Kusang ipinababawi ng kumpanyang One Stop Distribution Inc. ang ilang batch ng kanilang produktong Arrowhead Mills Organic Peanut Butter bunsod ng posibilidad na kontaminado ito ng salmonella.

Nabatid na partikular na ipinaparecall sa mga tindahan ng Healthy Options Corporation ang Arrowhead Mills Creamy Organic Peanut Butter 16 ounce na may product code na AM47052, at Arrowhead Mills Crunchy Organic Peanut Butter 16 ounce na may product code na AM47032.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga consumer na nakabili ng mga nasabing produkto na makipagugnayan sa merchandising department ng One Stop Distribution sa telephone number 527-5555 local 4757 o magemail sa FDA [email protected] kung sila ay nakabili ng naturang produkto o kaya’y may katanungan.

Tiniyak din naman ni FDA Officer in charge Atty. Nicolas Lutero III na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga distributors sa pag-monitor sa boluntaryong pag-alis ng nasabing peanut butter product.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists