PA-EXPIRED nang kontrata ang dahilan kaya tinanggihan ni John Lloyd Cruz ang serye sa ABS-CBN.

Ayaw daw ng aktor na mag-report sa taping na expired na ang kontrata niya.

For sure, knows din naman ng management ng Dos kung ilang buwan na lang ang natitira sa kontrata ni John Lloyd sa kanila. Hanggang ngayon daw kasi ay wala pang nakakarating kay Lloydie kung interesado pa sa kanya ang Dos o hindi na.

Habang nasa Amerika ang aktor at ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban, may mga espekulasyon na ang binanggit niyang “soul-searching” habang nagbabakasyon doon ay tungkol sa diumano’y balak niyang paglipat ng network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kalat na kalat ang balitang lilipat na sa ibang network ang aktor. May nakapagtsika pa nga sa amin na may mga inuutusan na raw ang isang network para kausapin si John Lloyd at alamin ang estado ng aktor sa ABS-CBN.

Ayon pa sa kausap namin, ang nauna nang naiulat na follow-up movie ni John Lloyd pagkatapos ng The Trial—ang balik-tambalan sana nilang ni Sarah Geronimo—ay hindi na rin daw matutuloy.

Kaya kay Piolo Pascual na ipapareha si Sarah.