Lani-Misalucha_MERCY-copySA presscon ng Star Music for La Nightingale concert ni Lani Misalucha sa 9501 Restaurant ay naging open ang Asia's Nightingale na ipinagawa niya ang kanyang ilong at choice niya iyon para hindi na mahirapan ng kanyang makeup artist na gawan ng shades ang kanyang ilong para tumangos.

"Kasi kung ikakabuti ba o ikakaganda sa fez, bakit hindi, di ba? 'Yung ibang normal na tao nga nagpapa-enhance kami pa na araw-araw nakikita sa telebisyon, di ba? Actually, ang una kong ipinagawa ang ipen ko.

"Wala naman akong naging inspiration para magparetoke. Talagang sinabi ko sa sarili ko na I have to do something for my looks," pag-amin ni Lani M.

Hindi siya nag-worry na baka maapektuhan ang boses niya (tulad ni Nora Aunor) kasi external lang naman daw 'yung ginawa sa kanya. Nu'ng time daw na nagpa-enhance siya ng ilong at eyelashes wala daw siyang sponsor.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Paylalu ako nu'ng time na 'yon, wa' sponsor, ha-ha-ha!" pabaklitang sey niya.

Sa ngayon ay wala na siyang balak magpa-enhance pa, pero magpapapayat siya dahil she's 45 na raw at tipong nadadagdagan ang timbang niya.

'''Pag dumating ka na pala sa ganitong edad, lalo na for us women, mahirap tala gang mag-maintain ng timbang. Kasi kung ano ang kinakain ko nu' ng ten years back at saka ngayon, pareho lang. Pero me ron pagkakaiba sa resulta. Dati nu'n kahit anong kainin ko, pareho pa rin ang weight ko, pareho pa rin ang itsura. Pero ngayon maamoy ko lang 'yung morcon, napupunta na dito sa ganitong parte ng katawan na ganu'n ang feeling ko, so wala tala gang magic sa paglo-loose ng weight, it really takes a lot of effort like exercise, diet, etcetera, eh, kaso parang hindi ko ginagawa. So 'yon, medyo malusog ako ngayon kasi nga kulang ako sa oras lalo na't nagpo-promote ako ngayon. I'm so busy right now so parang hindi ko na magagawa 'yung magpa-sexy nang husto para sa concert ko but I will try pa rin."

When asked by yours truly kung may balak ba siyang gayahin si AiAi delas Alas na magpa-pussykip ay malakas na halakhak lang ang kanyang isinagot, and for sure daw mas magugustuhan iyon ng kanyang mister.

Anyway, makalaglag pangang Cirque du Soleil production number ang isa sa mga bagong pasabog ni Lani Misalucha sa kanyang La Nightingale concert sa Araneta Coliseum sa December 6. Makakasama niya sa nasabing concert sina Arnel Pineda, Jed Madela, G-Force at iba pang surprise guests. Nagkakahalaga ang tickets ng P6,225 (VIP), P4,770 (Patron A) m P3,180 (Patron B), PI, 275 (box), P795 (upper box) at P480 (general patronage) at makakabili na ng tickets sa Smart Araneta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong bansa.