TORONTO (AP)- Nagtala si Pau Gasol ng season-high 27 puntos at 11 rebounds, habang umiskor si Derrick Rose ng 20 puntos bago lumisan sa korte sanhi ng sore left hamstring, kung saan ay binigo ng Chicago Bulls ang Toronto Raptors, 100-93, kahapon.

Nagposte si Jimmy Butler ng 21 at nag-ambag si Mike Dunleavy ng 14 kung saan ay napasakamay ng Bulls ang pagwawagi sa ikaanim na pagkakataon at tapyasin ang five-game winning streak ng Toronto sa labanan ng mga koponan na may magagandang records sa Eastern Conference. Ang dalawang koponan ay nagtataglay ng 7-2.

Bumagsak si Rose mula sa kanyang drive sa huling bahagi ng fourth kung saan ay pinalitan siya ni Dunleavy sa nalalabing 1:53, na naging dahilan upang paupuin ito sa bench.

Nagsalansan si Kyle Lowry ng 20 habang inasinta ni James Johnson ang 16 kontra sa kanyang dating koponan, subalit nabigo ang Raptors sa unang pagkakataon sa anim na home games sa season.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20