KINUMPIRMA nina Britney Spears at Charlie Ebersol ang kanilang relasyon bilang magkasintahan sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang litrato sa Instagram noong Sabado.

Bilang paglalarawan sa nasabing litrato, mababasa sa caption nito ang “#happiness.”

Matatandaang umamin kamakailan ang singer sa Extra at sinabing “Yes, there’s a special someone,” “It’s very new.”

Kilala si Ebersol, 31, bilang negosyante at TV and film producer na kanyang minana sa kanyang ama na si Dick Ebersol, na isa ring producer, at isa sa mga bumuo ng Saturday Night Live at presidente ng NBC Sports.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Britney ay dumaan sa nasty breakup kay David Lucado mahigit dalawang buwan pa lang ang nakararaan. Pero hindi lang naman si Charlie ang pinagkakaabahalan ni Britney sa mga panahong ito. Tumanggap ng susi ang Womanizer singer sa Las Vegas strip nitong Miyerkules, na idineklara rin bilang “Britney Day.” - Yahoo News/Celebrity