Isang lalaki na lulan ng motorsiklo ang nasagasan ng isang van matapos itong sumemplang sa EDSA sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Nicolas Juanica, 30, isang electronic dealer na residente ng Balubaran, Malinta, Valenzuela.

Police identified the victim as Nicolas Juanica, 30, an eloctronic dealer from Balubaran Malinta, Valenzuela City.

Lumitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol si Juanica sa kanyang motorsiko kaya gugewang-gewang ang sasakyan bago salpukin ng isang van, na minamaneho ni Emerito Pablo, 41, sa EDSA, Barangay Apolonio Samson.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kiladkad pa umano ng van ang motorsiklo at nasagasaan si Juanica.

Ideneklarang dead-on-arrival si Juanica sa Quezon City General Hospital matapos isugod ng mga tauhan Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue team sa pasilidad. - Betheena Kae Unite