Nagtakda ng pansamantalang criteria ang search and screening committee na binuo kamakailan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas board of trustees para pumili ng susunod na coach ng PBA-backed national team.

Ang naturang set of criteria na nabuo noong nakaraang Martes ng commitee ay nakatakda naman nilang ipasa sa SBP executive committee para sa final approval.

Kabilang sa nasabing committee na bumuo ng mga criteria ay sina SBP vice chairman Ricky Vargas, PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non at SBP executive director Sonny Barrios.

Kaugnay nito ay pinaplano nilang  muling magpulong sa susunod na linggo o mas maaga pa kapag na-finalized na ang mga criteria upang makapagsimula na rin silang makabuo ng listahan ng mga posibleng kandidato na isusumite rin sa  SBP executive committee na pinamumunuan ni SBP president Manny V. Pangilinan.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Samantala, ang isa pang committee na tatalakay naman sa proseso ng pagpili ng mga magiging coaches at players ng national teams na hindi kinakailangan ng professional players ay magpupulong sa Martes sa pangunguna ng NCAA na ngayon ay kinakatawan ni Jose Rizal University Athletic Director Paul Efren Supan, ang kasalukuyang NCAA MANCOM chairman.