GWANGJU, South Korea (Reuters)— Nagkala ng negligence o pagpapabaya at makukulong ng 36-taon ang kapitan ng isang South Korean ferry na tumaob noong Abril at ikinamatay ng mahigit 300 pasahero, ngunit inabsuwelto ng korte sa kasong homicide na may sentensiyang bitay.
Napatunayan ding nagkasala ang chief engineer ng barko sa kasong homicide sa hindi pagtulong sa dalawang sugatang crew member at hinatulan siya ng 30 taon sa kulungan. Samantala, ang 13 nabuhay na crew ay nagkasala sa iba’t ibang kaso, kabilang ang negligence, at pinatawan ng lima hanggang 20 taong pagkakakulong.
Ang overloaded na Sewol ferry ay tumaob habang patawid sa isla ng Jeju.