Inaasahan na magkakaroon ng dagdag sa toll fee ang mga operator ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayong Enero.

Inihayag ng Manila North Tollways Corp (MNTC) na naghain ang NLEX ng petisyon noong Setyembre sa Toll Regulatory Board (TRB) para sa bi-annual toll adjustment at ito ay magiging epektibo sa Enero 1, 2015 base sa concession.

Ang bagong petisyon ay dagdag sa pending petition ng kumpanya na inihain noong 2012 sa toll hike na itinalaga noong Enero 2013.

“The current petition would bring the cumulative toll adjustment to 15 percent, of which 12 percent is long overdue,” ayon sa MNTC.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Sa concession ng MNTC, pinapayagan ang toll adjustments kada dalawang taon.

Sa kasalukuyan, ang toll fee sa NLEX mula Mindanao Avenue hanggang Sta. Ines ay P218 para sa Class 1 vehicles (cars, jeepneys, pickup trucks at vans), P544 sa Class 2 vehicles (two-axle trucks, buses at vans), at P652 sa Class 3 vehicles (trucks at trailers sa tatlo o mga axles).