Pinagtibay ng Philippine Sports Commission at Bangladeshi Ministry of Youth and Sports ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Department of Foreign Affairs (DFA) kamakailan.
Nilagdaan nina Philippine Sports Commission Chairman Ricardo Garcia at Ambassador John Gomes, na siyang kinatawan ng Ministry of Youth and Sports ng Bangladesh, ang nasabing MOU.
Sa naturang MOU, magbibigay ito ng balangkas para sa kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Bangladesh sa larangan ng isports o palakasan. Nagkasundo ang dalawang bansa na magtutulungan sa sports education, sports science, kasama na rito ang sports medicine at anti-doping measures, sports training at iba pang sangay ng palakasan na pagpapasyahan ng mga ito.
Nakapaloob din sa kasunduan ang palitan ng officials-in-charge ng sports policy-making, sports experts, coaches, partisipasyon sa mga conference, symposia, seminars at exhibitions, exchange of printed materials at date, at organisasyon at pulong ukol sa sports events sa pagitan ng dalawag bansa.
Layon ng MOU na palakasin at pagandahin ang bilateral relations ng Pilipinas at Bangladesh sa pamamamagitaam ng promosyon ng kooperasyon sa palakasan gayundin na tiyakin angmga benepisyo mula sa mutual cooperation sa ganitong larangan.