Ang pagkakaroon ng socialized tuition o ST system ang ilan sa agenda ng student summit na itinaguyod ng Office of the Student Regent (OSR) ng University of the Philippines.
Ayon kay Mr. Neill John Macuha, ika-32 Student Regent ng UP, maglilista sila ng mga general demand ng mga estudyante at ibibigay sa Board of Regents ng UP.
Binanggit ni Macuha na magsasagawa rin sila, katuwang ang National Union of Students of the Philippines, ng hiwalay na summit sa iba pang unibersidad.
Kasabay nito, iginiit ng NUSP na dapat managot ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHEd) nang kapabayaan sa tungkulin dahil sa pag-apruba na itaas ang tuition at iba pang bayarin.
Nabatid na nagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ang NUSP laban sa CHEd officials dahil sa nabanggit na aksyon sa tuition.