Mula sa Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders’ Summit sa Beijing, China, nitong Nobyembre 10-11, magtutungo si Pangulong Benigno S. Aquino III sa Nay Pyi Taw, Myanmar upang dumalo sa 25th ASEAN Summit at sa 9th East Asia Summit (EAS) sa Nobyembre 11-13. Sa temang “Moving Forward in Unity to a Peaceful and Prosperous Community” ng ASEAN summit, tampok ang kahalagahan ng pagkakaisa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kung saan chairman ngayong taon ang Myanmar. Sa ika-47 taon nito ngayon, isang sumisikat na bituin ang ASEAN sa larangan ng pandaigdigang ekonomiya at pulitika.

Ang ASEAN Summit, na idinaraos dalawang beses sa isang taon para sa mga pinuno ng mga gobyerno upang talakayin ang mga isyung pang-rehiyon pati na arin ang kapulungin ang mga bansa sa labas ng bloc, ay nagaganap sa harap ng lumalawak na kooperasyon sa ekonomiya na bago pa man ang implementasyon sa susunod na taon ng ASEAN Economic Community (AEC), na ipinatupad sa ilalim ng Vision 20-20, na magsasama-sama sa iisang merkado ang mga ekonomiya ng sampung member-state ng ASEAN, kung saan founding member ang Pilipinas.

Magbabahagi si Pangulong Aquino sa kung paano hinaharap ng Pilipinas ang maraming paghamon at oportunidad ng integration at ng ating kontribusyon sa pagtatatag ng mas matibay at tuluy-tuloy na paglago ng rehiyon. Habang ipinamamalas ng ASEAN ang sama-samang pagsisikap para sa economic integration sa pamamagitan ng malayang pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, investments, skilled labor, at kapital, tatalakayin ng Pangulo sa kapwa ASEAN members at dialogue partners ang kahandaan ng Pilipinas sa larangan ng education, labor, trade, investment, tourism, agriculture, at public-private partnership. Ibabahagi rin niya ang pangunahing mga isyu sa summit agenda - human trafficking, innovation and technology, disaster management, education, at polusyon.

Lalahok ang Pangulo sa 9th EAS, na isang malawak na forum na idinaraos taun-taon pagkatapos ng ASEAN Summit, ng mga leader ng 18 bansa, kabilang ang Amerika, Russia, at ASEAN members. Gagamitin ng ASEAN ang suporta ng mga bansa sa East Asia at ng global community upang magtagumpay ang AEC roadmap, na ginagabayan ng “one vision, one identify, one community”.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Kakapulungin din niya ang iba pang world leaders sa iba pang naka-schedule na event - ASEAN + 3 Summit with China, Japan, and South Korea), ang ASEAN-India Summit, ang ASEAN-United States Summit, at ang ASEAN-United Nations Summit. Nakatakda rin siyang makipagkita sa mga opisyal ng ASEAN youth and civil society organizations.

Aalamin ni Pangulong Aquino ang update sa paunang talakayan hinggil sa Code of Conduct sa West Philippine Sea, na isinusulong ng Pilipinas upang mapahupa ang tensiyon sa pinag-aagawang mga teritoryo. Noong Mayo, iminungkahi niya ang finalization ng isang Declaration of the Conduct of Parties sa isang naunang ASEAN Summit, na idinaos rin sa Myanmar.