Inilunsad kamakalawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Balik Bahay, Sagip Buhay” sa mga kapus-palad na nakatira sa lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, layunin ng kanilang proyekto na mawala na ang mga palaboy sa lansangan.

Aniya, nakaipag-ugnayan na ang DSWD sa mga katuwang na ahensiya at sa stakeholders sa Metro Manila upang matiyak na matagumpay nilang maisagawa at maisakatuparan ang mga pangarap ng mga nakatira sa lansangan.

Sa ilalim ng programa, pagkakalooban ang mga street dweller ng edukasyon, tuloy-tuloy na trabaho, kaalaman ukol sa mga batas at karapatan ng mga taong lansangan.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

“Unang ipapatupad ito sa pangunahing Lungsod sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Pasay City, Caloocan City at Lungsod ng Maynila para tuluyang mawala na ang mga batang lansangan at mga taong sa tabi ng kalye na nakatira,” ani Soliman