Kobe Bryant, Cody Zeller

LOS ANGELES (AP) – Kapwa nagtipa sina Kobe Bryant at Jeremy Lin ng 21 puntos, at nakabalik ang Los Angeles Lakers upang talunin ang Charlotte Hornets, 107-92, kahapon para sa kanilang unang panalo para sa season makaraan ang limang sunod-sunod na kabiguan.

Nagdagdag si Carlos Boozer ng 16 puntos sa unang panalo ni Byron Scott bilang coach ng Lakers. Ang kanilang panalo ang nag-iwan sa Philadelphia bilang natatanging koponan sa NBA na wala pang panalo sa 0-7.

Dinomina ng opensa nina Lin at Boozer ang ikatlong quarters, nang naiiwan sa pitong puntos ang Lakers bago ang 25-6 run na nagbigay sa kanila ng 76-64 na abante papasok sa huling yugto.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Hindi na nila binitawan ang kalamangan mula sa puntong ito.

Umiskor si Al Jefferson ng 23 puntos habang nagdagdag si Kemba Walker ng 17 para sa Hornets, na natapos ang two-game winning streak. Nagbigay din si Gary Neal ng 14 mula sa bench at 10 rebounds naman ang nahatak ni Lance Stephenson.

Gumawa ng 14 unanswered points ang Lakers sa kanilang dominanteng third quarter run, kabilang ang walong sunod mula kay Boozer, na ang jumper ang nagbigay sa kanila ng kanilang unang kalamangan sa laro sa 61-59.

Nalimitahan ang Hornets sa limang field goals sa third period, at dalawa lamang sa huling 3:48.

Si Bryant, na kadalasan ay nagte-take over sa mga laro habang nanonood ang mga mas batang kakampi, pa rin ang nagbitaw ng maraming pagtatangka (20), ngunit gumawa siya ng siyam na puntos sa second half.

Isang basket ang naipasok ni Bryant sa fourth quarter, habang nag-ambag ang anim na iba pang Lakers sa opensa. Sina Lin at Wesley Johnson ay nakapagpasok ng magkakasunod na 3-pointers na nagpaingay sa crowd.

Resulta ng ibang laro:

Miami 105, Dallas 96

Brooklyn 104, Orlando 96

Utah 97, Detroit 96

Oklahoma City 101,

Sacramento 93

Toronto 120, Philadelphia 88

Phoenix 107, Golden State 96

Portland 116, Denver 100