Sinimulan natin kahapon ang pagtalakay sa ilang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang isang tao. Nalaman natin na hindi nagpapahalaga ang oras ang mga taong hindi nagtatagumpay at kung anu-ano ang kanilang ginagawa na hindi naman naglalapit sa kanila sa kanilang objectives. Habang ang tagumpay ay maaaring masukat sa halaga (sa pera man o iba pa), ang kabiguan ay iisa lang ang sukat. Narito pa ang ilang bagay na ginagawa ng tao kung kaya sila nabibigo:

  • Hindi sila handang gumawa ng hakbang. – May nakapagsabi: May ilan sa atin ang nag-aakalang puwedeng pampalit ang tagumpay sa ilang kabiguan. Upang maging epektibo, kailangan ng balanse.
  • Sukang-suka ka na sa ugali ng boss mo at lalo na sa trabaho mo ngunit hindi ito dahilan upang tamarin ka sa trabaho. Binabayaran ka ng kumpanya upang tuparin ang iyong mga tungkulin kaya iyon nga ang dapat mong gawin. Ang buhay ay may batas: Kung ano ang iyong itinanim, iyon ang iyong aanihin. Ano man ang situwasyon na iyong kinasasadlakan, dapat mong ipakita ang iyong talino, husay, at laging handang gumawa ng kagila-gilalas na bagay sa ikabubuti ng kumpanya. Ang mga hindi nagtatagumpay ay masaya na sa mababang grade at hindi hahanap ng paraan upang umangat ang kanilang karunungan upang madagdagan ang kanilang mga abilidad. Hindi ito tungkol sa pagpasok muli sa unibersidad kundi ang paglinang ng iyong galing na magplano at maghanda kung kaya naroon ang pakiramdam na mas matalino ka – at iyon mismo ang nagbibigay ng magagandang resulta.

    National

    Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

  • Gumawa sila ng sariling limitasyon. – May nakapagsabi: “Ikaw ang iyong paniniwala.”

Ang hindi nagtatagumpay ang nagsasabi ng “Hindi ako magaling sa math”, “Wala akong alam sa area na iyan”, “Hindi ko kayang mag-business”. Gumagawa sila ng sarili nilang tanikala. Mababa na nga ang kanilang target, hindi pa nila tamaan. Dapat iwaksi ang ideyang limitado lamang ang iyong talino para sa isang gawain. Hindi dapat iniisip na mas matalino ang kasama mo kaysa iyo. Hinihingi ng buhay na gamitin mo ang sarili mong talino para sa iyo at para sa iba.

Sundan bukas.