SAN FRANCISCO (Reuters)—Hindi madalas magbigay ng malaking financial rewards ang akademya.
Ngunit nagbago ito noong Linggo para sa mga tumanggap ng 12 Breakthrough Prizes, ang award na nilikha dalawang taon na ang nakalipas nina Russian billionaire venture capitalist Yuri Milner, Facebook founder Mark Zuckerberg, Google co-founder Sergey Brin at iba pang tech industry luminaries. Ang bawat prize ay nagkakahalaga ng $3 milyon, halos triple ng cash na natatanggap ng isang Nobel Prize winner.
Ngayon ang unang taon na pinarangalan ang mathematicians. Lima ang nanalo sa mga gawa mula algebraic geometry hanggang analytic number theory.
Anim na prizes ang napunta sa mga mananaliksik sa life sciences sa mga tuklas mula sa mga larangan ng bacterial immunity hanggang sa genetic regulation. Ang physics prize ay nakuha ng isang grupo na ipinakita na bumibilis ang paglawak ng universe, at hindi bumabagal, batay sa naunang inakala.
Layunin ng funders ng prize na makalikom ng sense of excitement sa scientific accomplishment, ani Milner sa isang panayam.