Bukod sa pagkukumpuni ng mga nasirang istraktura at komunidad sa Yolanda-affected areas, sinabi ni acting Health Secretary Janette Loreto-Grain na kailangan din ng mga nasalantang residente ang epektibong reproductive health services dahil umaabot sa 15,000 ang nanganganak sa mga apektadong lugar.
Sinabi ni Garin na isang kritikal na bahagi ng serbisyo ng gobyerno ang pangangalaga sa kalusugan ng mga biktima ng kalamidad, kabilang ang mga buntis at nanganganak
“The estimated 15,000 births every month in the Yolanda-affected areas of Regions 4B [Occidental and Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan], Region 6 [Western Visayas], Region 7 [Central Visayas], and Region 8 [Eastern Visayas] showcases the urgent, imperative need for maternal, neonatal, and child health services,” pahayag ni Garin.
Subalit tiniyak ni Garin na tinutugunan ng Department of Health (DoH) na ang ilang probisyon ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 na ideneklarang unconstitutional ng Korte Suprema ay hindi nila ipatutupad sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Aniya, mahalaga na hindi mapababayaan ng gobyerno ang responsible parenthood at reproductive health care sa mga naapektuhang komunidad dahil kabilang ito sa serbisyong kalusugan na makatutulong sa mga residente na makabangon mula sa epekto ng matinding bagyo.