Magtutungo ngayong Linggo si Pangulong Aquino sa Beijing upang dumalo sa 22nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting na gaganapin mula bukas, Nobyembre 10, hanggang 11.

Base sa impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., makikipagdiyalogo si Aquino sa mga miyembro ng APEC Business Advisory Council kung saan tatalakayin niya ang “economic reform on competitive growth”.

Samantala, makikipagpulong din si Aquino sa ibang lider sa rehiyon upang maisulong ang disaster resilience; small, micro and medium enterprises; financial inclusion; at domestic governance.

Inaasahan ding tatalakayin sa Leaders’ Meeting ang isyu sa Internet economy, physical connectivity, people-to-people connectivity, at APEC scholarship.

Eleksyon

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao

Una nang inihayag ng Malacañang na mas malaki ngayon ang delegasyon ng Pilipinas na dadalo sa APEC Summit sa China dahil ito ang tatayong host sa pagpupulong sa susunod na taon. Matapos ang APEC Summit, magtutungo si PNoy sa Nay Pyi Taw, Myanmar sa Miyerkules (Nobyembre 12) upang dumalo sa 25th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idaraos hanggang Nobyembre 13. - JC Bello Ruiz