WASHINGTON (AP)— Lumiham kay Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei si President Barack Obama tungkol sa pakikipagdigma sa mga militanteng Islamic State, na kapwa nila kalaban sa Syria at Iraq, ayon sa diplomatic sources.

Sumasabak ang US at Iran sa bakbakan upang masupil ang grupong Islamic State, isinantabi ang kanilang alitan para sa kampaya laban sa extremist.

Ang pagliham ni Obama sa makapangyarihang religious leader ng Iran ay nangyari bago ang deadline sa Nob. 24 sa nuclear negotiations ng U.S. at Iran, at ng iba pang world powers. Habang dati nang lumiham si Obama kay Khamenei, bibihira ang anumang komunikasyon sa kanilang dalawa.
National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA