Suportado ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang ginawang pagisnab ni Vice President Jejomar Binay sa imbitasyon ng Senado kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa umano’y overpriced na Makati City Hall annex building at iba pang isyu ng katiwalian.

Nagpahayag pa ng paniniwala si Erap na hindi na “in aid of legislation” ang naturang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee at sa halip ay maituturing aniya itong “in aid of election”.

Ipinaubaya naman ni Erap sa ikalawang pangulo ang desisyon kung sisipot ito sa mga susunod pang pagdinig sa Senado.

Kaugnay naman ng public debate sa pagitan ni Binay at ni Senator Antonio Trillanes IV, na nakatakdang idaos sa Nobyembre 27, sinabi ni Erap na hindi na dapat pumayag sa debate ang bise presidente dahil wala naman aniya siyang mahihita rito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“He has everything to lose, nothing to gain,” pahayag ng alkalde na kabilang sa mga nagtatag ng United Nationalist Alliance (UNA) kasama si Binay at Senador Juan Ponce Enrile.