Kathryn & Daniel

PABOR na pabor si Jericho Rosales na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang bida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na nagpasikat nang husto sa kanila ni Kristine Hermosa many moons ago.

Malampasan kaya ng KathNiel ang tagumpay na narating nila ni Kristine Hermosa noong una itong ipalabas?

“Malamang, kasi ang lakas-lakas ng love team nila, di ba? In fact, ang lakas ng support cast nila, I mean nabalitaan ko ‘yung ibang cast kung sino ‘yung mga gaganap, eh.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Klaro kong narinig is in-intensify nila ‘yung story, binigyan nila ng ibang version, so maganda… maganda, so ako, excited ako,” kuwento ng aktor.

Papayag ba siya kung aalukin siya ng cameo role sa Pangako Sa ‘Yo?

“Kung tatawagan nila ako, at okay ang role, game ako d’yan. Parang cameo role talaga na dumaan lang o magsasaka ako ro’n,” masayang sabi ng aktor.

Nabanggit ni Echo na napag-usapan nila ng handler niyang si Allan Real si Kristine.

“Pinag-uusapan namin nina Kuya Allan, ‘kumusta na si Kristine, sabi nga she just gave birth, di ba?’ Kung mayroon talagang napaka-interesting na project na talagang feeling ng mga tao na gusto nilang panoorin, why not?” pahayag ng dating ka-love team ni Kristine.

Inisa-isa ni Echo ang mga naka-love team niya, “Sina Julia Clarete, Angelika de la Cruz, Kristine Hermosa, Heart Evangelista (sabay tukso sa kanya), hmmm, ikakasal na sila ni (Sen.) Chiz (Escudero), ‘tapos si Sarah Geronimo nga nakasama ko rin.”

Pero binanggit ng media na ang love team nila ni Kristine ang talagang mainit na tinanggap ng tao at big hit ang lahat ng projects nila.

“Sa amin ni Heart din, marami naman kaming projects,” susog ng aktor.

Sino sa mga nabanggit niya ang nami-miss niyang makasama ulit?

“Siyempre gusto kong makasama si Kristine ulit, maraming nagre-request niyan, eh. Hanggang ngayon nga ‘dami nagsasabing, ‘sige na gumawa kayo ng project’, parang mga minions namin, eh. So mahal namin sila (followers), so sana nga meron, ako iisip ako ng project,” say ni Echo.

Okay ba sila ng asawa ni Kristine na si Oyo Sotto?

“Hindi, batian lang, pero hindi speaking terms. Batian lang,” kaswal na sagot ng aktor.