Toni Gonzaga

DIRETSAHAN pero may kasamang biro na sinabi ni Toni Gonzaga nang makausap namin siya last Sunday sa studio ng The Buzz na maski nga raw siya ay naiinip na kung kailan mag po-propose sa kanya ang boyfriend na si Direk Paul Soriano.

Natatawa na lang daw siya kung minsan sa paulit-ulit na pagtatanong sa kanya kung kailan magaganap ang kasalan nila. Pero talagang napag-uusapan na nila ang tungkol doon.

“May future plans naman kami at isa na roon siyempre ang bagay na ‘yan. Ang maganda nga kay Paul, hindi siya artista, hindi siya showbiz, nagiging pribado ‘yung mga pag-uusap namin. Kumbaga, hindi siya ang tipo na kailangang ikuwento ‘yung mga detalye o kung anumang plano namin,” sey Toni.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Kung nagkataon daw na pareho silang artista ni Direk Paul, malamang na higit pa roon ang pangungulit sa kanila ng press. Pero wala naman daw silang itinatago as far as their relationship is concerned.

“Eversince kilala naman nila ako, di ba? No’ng naging boyfriend ko si Paul, eh, inamin ko naman, so walang dahilan na idi-deny ko kung engaged na kami, di ba?” sabi pa ni Toni.

Ipapaalam niya agad sa lahat kung sakaling mag-propose na si Direk Paul. Gusto raw niyang ipagmalaki ‘yun at maramdaman niya lalo ang excitement.

Sey pa ng aktres, nakahanda naman siya anytime at pati na ang mga magulang niya ay tanggap na rin kung sakaling magpakasal na silang ni Direk Paul.