Judy Ann Santos

MAY usapan ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na kung magkano ang naipon nilang barya sa mga alkansiya nila ay iyon ang panggastos nila sa Noche Buena at Media Noche.

“Nagbilang nga kami ng mga loose change na naipon, mga naiiwan sa bag namin, inilalagay namin sa alkansiya, sabi ko, ‘magkano man ‘yung kinalabasan nitong alkansiya, iyon ang ‘pangno-Noche Buena at Media Noche namin. So nakakuha naman kami ng mga P20K plus, may kasamang bills naman.”

Naging kaugalian na pala nilang mag-asawa na magtabi maski na noong magdyowa pa lang sila kaya hindi kataka-takang nabibili nila ang kanilang gusto, pero marami pa ring savings.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, nai-stress na ang I Do host sa ireregalo niya kay Ryan sa Pasko.

“’Yan ang pinoproblema naming mag-asawa pagdating ng Pasko kasi hindi mo alam kung ano talaga ‘yung magiging hobby niya at that time, so normally ang Christmas gift namin sa isa’t isa nangyayari mga three days before saka pa lang namin naiisip kung ano. Sinu-surprise pa rin namin ang isa’t isa, minsan tinatanong, magbibigay ka ng hint, pero doon pa rin ‘yung element of surprise ‘pag Pasko, di ba?” nakangiting sabi ni Juday.

In fairness, hindi naman daw humihiling si Ryan ng kotse.

“Hindi naman, alam naman niyang hindi niya kailangang hilingin ‘yun,” say ng aktres.

Nawiwili na si Juday sa hosting, kaya tinanong namin kung gagawa pa ba siya ng teleserye lalo na’t nabanggit niya na may ikalawang season ang I Do at posible ring magkaroon din ng third season ang Bet On Your Baby na parehong mataas ang ratings at magaganda ang feedback.

“Next year ‘pagka maluwag-luwag kasi hindi ko kayang gumawa talaga ng dalawang shows at the same time.

“Nag-pitch na ng project sa akin ang ABS, hindi pa lang ma-push through ng last quarter ng taon because I’m doing I Do and Bet On Your Baby plus nag-shooting pa ako ng Tyanak, so talagang puno ang schedules ko. So kung teleserye, teleserye lang muna,” sagot ng aktres.

May say ba siya kung sinu-sino ang gusto niyang makasama sa teleserye?

“Wala naman, ‘pag tinatanong ako, nagsasabi ako, pero ‘pag hindi naman tinatanong ang opinyon ko, hindi ko naman ipu-push. Ayoko namang masabing ako ‘yung (bumuo) sa cast and everything.”

Ano ang mas malaki ang bayad, teleserye o game show?

“Parang pareho lang kasi per taping naman ‘yung bayad namin dito, so mas mahirap lang ang teleserye.”