Jericho Rosales

NAKAKATUWA at masarap nang kausap si Jericho Rosales, sa solo presscon niya para sa indie film na Red mula sa direksiyon ni Jay Abello na kasama sa Cinema One Originals Festival (Nobyembre 9-18 sa Trinoma Cinema, Fairview Terraces, Glorietta at Greenhills Dolby Atmos Theaters).

Ang gaan-gaan ng aura ngayon ni Echo, halatang masaya at higit sa lahat ay nakikipagbiruan pa kaya panay tawanan tuloy ang maririnig sa taped interview namin.

Umandar din ang pagkataklesa ni Echo sa mga tanong namin kaya nakiusap siyang huwag na naming isulat dahil wala naman siyang masamang intensiyon, sabay sabi na ipinabidyo niya raw kami (entertainment press) para may pruweba siya at malaman niya kung sino ang sumulat kung sakaling lumabas ang usapan namin.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Samantala, sa ipinakitang trailer ng Red ay matitindi ang love scene nina Echo at Mercedes Cabral na ikagugulat ng lahat dahil hindi naman gumagawa ng ganito katindi ang aktor maski na noong binata pa siya.

Paano siya napapayag na gawin ito lalo’t ngayon pang may asawa na siya?

“Well, there are two things to consider,” maagap na sabi ng aktor. “Number one is my conviction and number two is, of course, the people na responsable ako. So, kapag tumanggap ako ng pelikula, ang limitation ko is kung gagawa tayo ng bagay na hindi naman angkop sa mensahe mo.

“Noong kinausap ako ni Jay, sabi niya, ‘Ano ‘to, bro, panglalaki, makikita mo may violence siya, may action siya, pero may love story.’ Kapag sinabing ganun, okay, may love scene siguro, pero nandu’n siya sa story.”

“Ang only limitation ko is kung gagamitin mo ang isang kissing scene o love scene para lang pumunta ang mga tao sa sinehan. I’m not that kind of actor. I’m a messenger also, eh, I’m a delivery boy, so kailangan nandu’n ka lang sa sinabi mo. Kapag lumabas ka doon, tapos na,” dagdag pang paliwanag ni Echo.

Ano ang reaksiyon ng wife niyang si Kim Jones sa matitinding eksena nila ni Mercedes?

“Kim is the most supportive wife ever!” mabilis na sagot ng aktor. “Basta sabi niya, ‘Umuwi ka na ‘tapos mag-love scene tayo’.

Hagalpakan ang lahat, na pinahabulan niya ng, “Puwede na akong mag-joke ng ganu’n kasi may asawa na ako. Lahat naman, part siya ng lahat ng decision-making process sa lahat ng project na gagawin ko.

“Okay lang naman sa kanya, coming from Legal Wife. Alam naman niya hindi ako basta-basta gumagawa ng ganu’ng bagay. Alam niya ‘yon, kasi bilang real life story ‘to, kailangan naming ipakita. Of course, sana hindi na mag-love scene kasi kasal na. Pilipino pa rin, eh.

“Pero ito, makikita n’yo, hindi siya makatotohanan kung may iiwasan kang mga bagay.”

Pero aminado ang aktor na nahirapan siya nang husto sa love scene nila ni Mercedes.

“Wala, awkward lang kasi kapag sa love scene, so tawa lang kami nang tawa sa set. Lima lang kami doon, pero tawa lang kami nang tawa sa set. Iniisip kasi ng mga tao kapag love scene, parang madali lang. For us, mahirap siyang gawin, kasi kailangan artistic ang paggawa mo. ‘Tapos may love, may feeling, mainit, hindi siya perfect, like, sa mag-asawa.

“Nakakailang din kasi may nakikinig sa labas, may gustong mamboso, ‘yung mga ganu’n na hindi mo naman alam. ‘Yun ang isa sa mga pinakamahirap na eksena para sa akin,” paliwanag ng aktor.

Bukod sa love scene ay nahirapan ding gawin ni Echo ang last scene niya sa Red dahil, “Sabi ko kay Jay, ito ‘yung isa sa pinakamahirap na eksena na ginawa ko sa lahat. Of course, with the (Ilonggo) accent, with the emotions, iba siya, e. Kasi, malayo siya sa akin, so iba siya. Puwede ko rin sabihin na may pagka-fictional, parang hindi totoo pero totoo, sobrang unique niya na tao. Nahirapan ako sa end scene namin na nasa last scene namin sa pelikula.”