KIDAPAWAN CITY – Isang umamin sa pagpatay sa isang guro at sa anak nitong babae ang brutal na pinaslang ng kaanak ng kanyang mga biktima sa loob ng bilangguan sa Cotabato District Jail sa Kidapawan City, North Cotabato.

Ang napatay ay si Ronald Balorio, 48, ng Barangay Dalipe, M’lang, na kinasuhan sa pagpatay kina Rina Verdon-Badoy, 59, at anak niyang si Gina Mae Badoy, 19, tatlong taon na ang nakalipas.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City Police, ilang beses na sinaksak sa mukha, leeg, likod, mga braso at magkabilang balikat si Balorio ng isang kapwa bilanggo na kaanak ng mga Badoy.

Sinabi ni Jessie Ined, executive assistant ni Cotabato Gov. Lala Mendoza, na sa imbestigasyon ay inamin ng suspek ang pagpatay kay Balorio bilang paghihiganti sa pagkamatay ng kanyang mga kaanak.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tumanggi naman si Ined na kilalanin ang pangunahing suspek sa krimen, gayundin ang dalawa niyang kasabwat, para sa kanilang seguridad. - Malu Cadelina Manar