Aminado ang Department of Education (DepEd) na dehado ang mga atleta ng Pilipinas sa ASEAN School Games na gaganapin sa Marikina City mula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Assistant Secretary Tonisito Umali na mahihirapan ang mga atletang Pinoy dahil mas bata ang mga ito sa edad na 15 hanggang 16 kumpara sa mga pambato ng ibang bansa sa Southeast Asia na 18 anyos pababa.

“But what more important is on discipline, cooperation and values (among the athletes). It is not winning medals,” pahayag ni Asec. Umali.

“The goodwill we gain among our neighboring countries is more than the economic gains,” saad naman ni Marikina Mayor del De Guzman.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Sinabi ni Asec. Umali na ang mga nagwagi sa Palarong Pambansa sa Laguna ang makikipagtagisan sa mga pambato ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Cambodia, Singapore, Thailand at Vietnam.

Ang Philippine Eagles ang napiling mascot habang ‘One ASEAN, One Vision, One Community of Champions,’ ang slogan at ‘We are One’ ang kantang mauulinigan na nilikha ni Lirazen Felipe ng Marikina na kumukuha ng kurso sa musika sa New York City University.

“The ASEAN School Games serves as a huge opportunity not only for Marikina, but for the Philippines as well, to share and show the culture and tradition we have,” dugtong ni Mayor De Guzman.

Ipinabatid ni Architect Wilfredo Reyes na handa na ang mga venue at maging hotel ng mga delegado kung saan ay tinatayang aabot sa 1,500.

Katuwang ng DepEd at Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang Philippine Sports Commission (PSC), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Eastern Police District Office para sa seguridad at kapayapaan ng nasabing school games kung saan ay unang magiging host ang Pilipinas.