Himas-rehas ngayon ang tatlong pusher na nahulihan ng P2.3 milyon shabu sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay. Mojon, Talisay City, sa Cebu noong Miyerkules. Kinilala ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang mga suspek na sina Paquito Hisola, 33, at live-in partner nitong si Dianne Brigid Ortega, 27, at kaibigang si Redoma Tiana, 49, pawang nakatira sa naturang lugar.

Sinabi ni Police Senior Insp. Armando Labora ng Provincial Intelligence Branch ng CPPO, na inalok ng mga suspek ng 200 gramo ng shabu ang poseur buyer.

Sasampahan ang tatlong suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Act).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho