A photo posted by @_krisaquinoon

SA Instagram post ni Kris Aquino last All Saint's Day, makikitang kasa-kasama niya ang mga anak na sina Bimby at Joshua sa shooting ng Feng Shui na entry ng Star Cinema MMFF 2014.

Ang ikinasorpresa ng mga nakakita ng kanyang IG post ay kasama ng mag-iina si Bambbi Fuentes, ang dating makeup artist-hairstylist ng Queen of All Media.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaan na nabigla ang showbiz world nang mapabalitang nagkanya-kanyang landas sina Kris at Bambbi dahil itinuring na nilang pamilya ang isa't isa.

Nagkaroon daw kasi ng tampuhan sina Kris at Bambbi noon, pero hindi sila nagbigay ng dahilan sa media. Simula noon, maraming taon silang hindi nagkasama. Ibig sabihin, matagal silang hindi nagbatian.

Pero may kasabihan na 'showbiz is a small world' kaya hindi imposibleng magkrus uli ang landas nilang dalawa, na nangyari na nga sa shoot ng Feng Shui. Dahil isa si Bambbi sa mga nag-aayos ng mga artista roon.

All's well sa pagkikitang muli ng dating magkaibigan. Long-lost friend na muling pinagtagpo ng tadhana.

Pahayag ni Bambbi on Kris: "Siyempre excited though I know maninibago ako at first because napahinga from her face, parang after a while ... na parang last week lang kami nagkita, naging relaxed na agad ako kanina," ani Bambbi habang inaayusan si Kris. "Relax na agad ako, bonding na ulit."

Kaya't huwag nang magtaka kung isa uli si Bambbi sa mga pinasasalamatanniKris sa TV. Back into each other arms again silang dalawa. Asahan na rin na si Bambbi uli ang magiging kasa-kasama ng famous host ng KrisTV, Aquino and Abunda Tonight at The Buzz.