Maja Salvador and Gerald Anderson

SA wakas, pumayag na sina Gerald Anderson at Maja Salvador na gumawa ng project na magkasama. May mga pahayag kasi dati ang magkasintahan na hangga’t maaari ay hindi sila gagawa ng proyektong sila ang magkatambal mapapelikula man o sa telebisyon.

Katwiran ng dalawa, ayaw nilang pagpistahan sa promo ang relasyon nila.

Pero hindi nakatanggi ang dalawa sa offer ng Dreamscape para sa isang Christmas special na Give Love On Christmas Presents Gift of Life.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Magkasama sa isang episode sina Maja at Gerald.

Sabi ni Maja, nahirapan siyang tanggihan ang project nang io-offer sa kanya.

“Napakagandang regalo sa amin ng project na ito, para sa lahat. Kumbaga, ‘yung makapagbigay ka ng magandang kuwento ngayong Kapaskuhan at alam mong magugustuhan ng mga taong sumusuporta sa ‘yo, eh, wala na tayong karapatang tumanggi pa,” sabi ni Maja, at idinugtong na pareho silang masaya ni Gerald sa pagdating ng naturang proyekto.

Bukod sa una nilang pagtatambal ito ay natiyempo pa na pamaskong handog ito ng Kapamilya Network.

Kuwento pa ng dalaga, tiyak na matutuwa rin ang fans nila ni Gerald sa proyektong ito. Pareho silang excited at hindi na niya ipinagkaila na matagal na rin naman niyang gustong makatrabaho si Gerald, maging noong bago pa man sila nagkaroon ng relasyon.

“Naging fan din ako ng ginawa niyang trabaho, especially Budoy. Kaya no’ng kinwento ito, eh, ano ba ang pakiramdam kung magkatrabaho kaming dalawa... parang nakaka-excite ang pakiramdam na co-actor ko siya,” lahad ng aktres.

Ipinagmamalaki ni Maja na napakaganda ng kwento ng episode nila ni Gerald.

“Kahit na kanino pa siguro ialok ang project na ito, eh, for sure mahihirapan silang tumanggi sa poject. At least bukod sa maagang pamasko namin ito para sa kanilang lahat, eh, siguradong mabibigyan namin sila ng isang magandang kuwento para sa darating na Pasko,” sey niya.

“Siyempre masaya at masarap sa pakiramdam na pagkatiwalaan ka ng management at bigyan ka ng isang magandang kuwento and it’s for Christmas pa so talagang, bakit hindi?” banggit pa ng magaling na aktres/singer.

Ngayong nabinyagan na ang tambalan nila ni Gerald, may posibilidad na bang sa TV series naman ang sunod nilang pagsasama?

“Well, tingnan na lang natin. Kung susuportahan nila siguro kami, eh, okey lang pero depende pa rin yun sa amin kasi ba naman kaya kami pumayag dito dahil isa itong Christmas special at ang ganda ganda ng kuwento,” sey pa rin niya.