MAY BAGONG PAG-ASA ● Kung ikaw ay isang OFW na nawalan ng trabaho sa Libya dahil sa walang patumanggang bakbakan, may laan na ayuda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Pinalawig ng OWWA ang pagkakaloob ng Financial Relief Assistance Package (FRAP) sa halagang P10,000 para sa mga OFW na nagmula sa Libya mula Mayo 29 hanggang Hulyo 19, 2014 nang iutos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang voluntary repatriation. Nagkabisa ito sa pamamagitan ng ng Resolution 008 o ang “Authorizing the Inclusion of Voluntary Repatriates from Libya (29 May to 19 July 2014) for Coverage of Resolution 007, S. 2014” matapos ipatupad ng OWWA Board sa pangunguna ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda D. Baldoz. Sa naturang Reso, makatatanggap ng ayudang pinansiyal ang mga OFW na boluntaryong umuwi sa Pilipinas na dumaan din sa parehong sitwasyon na pinagdaanan ng mga OFW na lumikas sa Libya sa ilalim ng mandatory repatriation o Alert Level 4. Bago ang desisyon, tanging ang mga OFW mula sa Libya na sapilitang pinauwi mula Hulyo 20 hanggang sa kasalukuyan ang pinagkakalooban ng FRAP. Batid ng gobyerno ang pisikal, pinansiyal, at emosyonal na hirap na dinaranas ng isang OFW na nawalan ng trabaho. Marami nang pakinabang ang P10,000 kung maayos itong pangangasiwaan ng OFW.

PASKONG LIGTAS ● Matituturing merry ang Christmas kung ipagdiriwang itong walang kaakibat na pangamba dulot ng anumang uri ng karahasan. Kaya naman ngayon pa lang kumilos ang Eastern Police District Office upang matiyak ang peace-and-order sa Mandaluyong City, Pasig, Marikina at San Juan sa panahon ng Pasko. Isang Oplan Pasadya ang inihanda ng EPDO upang maigting na bantayan ang mga shopping mall at iba pang establisimiyento sa naturang mga lungsod lalo na sa panahon ng Pasko. Nakasentro ang pagbabantay sa EDSA at mga mall, ayon sa EPDO kung saan ipakakalat ang kanilang mga tauhan. Kinatuwang din ng EPDO ang puwersa ng mga opisyal ng lahat ng barangay, lalo na ang mga tanod, upang matiyak ang seguridad sapagkat tumataas ang krimen kapag panahon ng Pasko. Kaya kung ikaw ay professional na magnanakaw, snatcher, shoplifter, at holdupper, mag-isip-isip ka muna bago mo isakatuparan ang iyong maitim na balak. Dahil ang inaakala mong tambay, o shopper, o taong naghihintay lang ng kasama sa mall o anumang lugar, ay pulis na pala at malamang na ramdam nito ang gagawin mo. Good luck na lang.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs