CAMP BANCASI, Butuan City – Dalawang tauhan ng Philippine Army ang napatay at isa pa ang nasugatan sa magkahiwalay na sagupaan ng militar at ng New People’s Army (NPA) sa Little Baguio sa Barangay Payapag, Bacuag, Surigao del Norte, iniulat kahapon ng militar.

Pinaniniwalaang marami mula sa panig ng mga rebelde ang nasugatan kundi man namatay sa paglalaban, base sa maraming bakas ng dugo sa kanilang dinaanan.

Sinabi ni Regional Army spokesman Maj. Christian C. Uy na ang mga rebelde ay miyembro ng guerilla-Front Committee 16 ng NPA Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Aniya, dakong 8:00 ng umaga nang sumiklab ang una, 30-minutong bakbakan, na ikinamatay ni PFC Jay Ar G. Escaret.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dakong 4:00 ng hapon naman nang mapatay sa isa pang engkuwento sa Little Baguio si PFC Webster P. Branzuela. - Mike U. Crismundo