Chris Martin at Gwyneth Paltrow

NAPAULAT na nanunumbalik ang init ng relasyon nina Gwyneth Paltrow at Chris Martin.

Marso ngayong taon nang maghiwalay ang mag-asawa at nagkaroon ng ilang buwang relasyon ang singer ng Coldplay kay Jennifer Lawrence, na sinasabing natapos na noong nakaraang linggo.

Maugong ngayon ang usap-usapan na inaayos ng mag-asawa ang kanilang 11-taong pagsasama.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“The chances of there being a happy reconciliation are very high,” sabi ng source sa pahayagang The Mirror’s Sunday People. “Talk of officially ending their marriage is not even on the agenda. Lawyers haven’t been introduced yet.”

Napaulat na mahal pa nina Gwyneth at Chris ang isa’t isa. Naniniwala rin ang kanilang mga kaibigan na malaki ang posibilidad na magkabalikan sila kaysa magdiborsiyo.

“Despite being very different beasts, Chris and Gwyneth adore one another,” anang insider. “I suppose it’s a case of they can’t live without one another.”

Inihayag nina Gwyneth, 42; at Chris, 37, ang kanilang paghihiwalay at tinawag itong “conscious uncoupling”. Pero mistulang nakatulong pa ang ilang buwang paghihiwalay para mas tumibay ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

“The split released a lot of pressure from the intense relationship but they are still very close,” sabi pa ng source.

Sampung taong gulang na ang kanilang anak na babaeng si Apple at siyam na taong gulang naman ang kanilang anak na lalaking si Moses.

“Their priority is to make sure their children remain happy and secure so they have been spending an enormous amount of time together,” paliwanag ng source, at idinagdag na ang pamilya ay madalas na magkakasabay na nag-aalmusal at ayaw ni Chris na hindi nakakasama sa iisang bahay ang kanyang mga anak.

Naganap ito simula nang magtapos noong nakaraang linggo ang relasyon ni Chris sa bida ng Hunger Games. Namataan noong Oktubre 29 ang 24-anyos na aktres habang hinahakot ang kanyang mga gamit mula sa bahay ni Chris sa Malibu. - Cover Media