Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) simula kahapon, Oktubre 31, hanggang bukas, Nobyembre 2, ang voters’ registration.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ito ay bilang pagbibigay-daan sa paggunita sa Undas ngayong weekend.

Sa kabila nito, sinabi ni Jimenez na maaari pa ring mag-fill up ng registration forms online sa pamamagitan ng website na iRehistro.com.

“ATTN: #VoterReg2014 is suspended from Oct. 31 to Nov. 2, 2014. Http://iRehistro.com will still allow you to fill up reg forms online tho,” saad sa Twitter account (@jabjimenez) ni Jimenez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinimulan noong Mayo ngayong taon, magtatapos ang voters’ registration sa Oktubre 2015.