Ricki Lake at Christian Evans

NAGSALITA na ang aktres at dating talk-show host na si Ricki Lake tungkol sa desisyon niyang makipaghiwalay sa jewelry designer na si Christian Evans matapos ang dalawang taong relasyon bilang mag-asawa.

Ayon sa People, si Lake ay nagsumite ng mga dokumento sa korte noong Oktubre 9 sa Los Angeles, sa kadahilanang hindi pagkakasundo at pagakakaiba ng pananaw.

Matatandaang nagsimulang lumabas si Evans at Lake noong 2010. Matapos ang ilang taon, inilahad ni Lake sa iVilliage na siya ay muling ikakasal sa ikalawang pagkakataon. "I have a wonderful career that keeps me surrounded by creative, dedicated people. 'I have everything I want,' I would always tell my inner circle.'I will never marry again. Even if I meet Mr. Right, there is no need to make anything official.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"That was before I met Christian. Fortunately, words don't have calories — because I am eating mine! On my 42nd birthday, true love walked into my life, and I am not letting it out."

Sa kasagsagan ng kanilang kasal noong Abril 2012, inilalarawan ni Lake si Evan bilang a normal guy. ... He's a nobody but he's somebody to me. He's everything to me."

Ngunit, biglang nagbago ang nararamdaman nito kay Evan. Iyon na ang pangalawang beses na ikinasal ang aktres matapos makipahiwalat sa dating asawa noong 2004 na si Rob Sussman. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak na sina Milo, 17, and Owen, 13. - Yahoo News/Celebrity