Lea Michele at Matthew Paetz

HANDA na ang Glee aktres na si Lea Michele na ipaalam sa publiko kung sino ang bagong lalaki na nagpapatibok ng kanyang puso.

Anim na buwan matapos ang pagpupulong para sa set ng kanyang "On My Way" music video, si Lea at ang kanyang modelong kasintahan na si Matthew Paetz, ay namataan noong Miyerkules amfAR L.A. Inspiration Gala sa Hollywood. Ang magkasintahan ay masayang nagkukuwentuhan sa kanilang lamesa. Si Lea ay nakasuot ng gold Versace dress.

Magkasama buong araw si Matthew at Lea. Sila ay namataan na nagtatawanan at nagbubulungan habang nagkukuwentuhan sa buong programa ng pagpupulong habang si Gwyneth Paltrow ang punong-abala at nagbigay naman ng aliw si Chris Martin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang dalawa ay nagkakilala noong Abril, habang kumakalat ang usap-usapan tungkol sa kanyang nakaraan—ayon sa TMZ na si Paets ay dating gigolo. Gayunman, naging komportable sila sa isa’t isa at hindi nagtagal ay nagpapakita na sa publiko habang nagbabakasyon, at naging hiking sidekick niya ang kasintahan. - Yahoo News/Celebrity