Jaclyn Jose at Precious Lara Quigaman

GAGANAP ang award-winning actress na si Jaclyn Jose bilang manghihilot na naglalaglag ng mga batang ipinagbubuntis sa Halloween episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi.

Binabagabag siya ng kanyang konsensiya kaya madalas siyang mag-ilaw ng kandila at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga sanggol na kinikitilan niya ng buhay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit mababago ang lahat sa buhay ni Susan sa pagkamatay ng isa niyang pasyenteng si Laila (gagampanan ni Precious Lara Quigaman). Dahil simula noon, nagsimula na siyang makakita ng iba’t ibang kakila-kilabot na mga bagay at pangyayari.

Paano mapapayapa ni Susan ang kaluluwa ni Laila na nagmumulto para humanap ng hustisya sa pagkamatay nilang mag-ina?

Kabituin nina Jaclyn at Precious Lara sa Halloween episode ng MMK sina Liza Lorena, Joem Bascon, Richard Quan, Crispin Pineda, at Lui Manansala, mula sa script ni Shugo Praico at sa direksyon ni Jerry Sineneng.