BACK-TO-BACK na Halloween special episodes ang handog sa televiewers ng Wansapanataym ngayong Araw ng mga Patay at Kaluluwa (Nobyembre 1 at 2).

Sa episode na ‘OMG: Oh My Ghost’ na ipalalabas ngayong gabi, gagampanan ni Ejay Falcon ang karakter ni Homer, isang binata na hindi naging tapat sa kanyang kasintahan na si Trina (Empress). Dahil sa kanyang panloloko, tuturuan si Homer ng leksiyon ng kaluluwa ni Claire (Lara Quigaman), isang babae na minsan nang sinaktan ng lalaki na kanyang pinakamamahal.

Tampok din sa ‘OMG: Oh My Ghost’ sina Matthew Mendoza, Bea Basa, Noel Colet, Tado Jimenez, Bryan Santos, at Vangie Martelle, mula sa panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Avel Sunpongco.

Ang child wonder na si Bugoy Cariño naman ang bida sa Wansapanataym bukas sa episode na pinamagatang ‘My Mumu.’ Bibigyang-buhay ni Bugoy ang karakter ni Luis, isang bata na mapapalapit sa multo na si Javier (Philip Nolasco). Upang tuluyan nang matahimik ang kaluluwa ng kaibigan, tutulungan ni Luis si Javier na mahanap ang nawawalang kayaman ng kanyang pamilya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasama nina Bugoy at Philip sa ‘My Mumu’ sina Allan Paule, Angel Jacob, Chinggoy Alonzo, Racquel Monteza, Beverly Salviejo, at Ruben Gonzaga, mula sa panulat ni Philip King at direksyon ni Francis Pasion.