CABANATUAN CITY- Nagbigay ng tips ang Cabanatuan City police para sa ligtas at mapayapang paggunita ng Undas sa lungsod.

Ayon kay City Police Chief Superintendent Joselito Villarosa, Jr., huwag nang magdala ng mga bagay na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo gaya ng patalim, alak at baraha.

Kung hindi naman maiiwasang magsama ng bata ay bigyan ng identification card ang mga ito na may nakasulat na pangalan ng magulang at contact number upang sakaling mahiwalay ay madali silang maibabalik sa mga kasama.

Upang makaiwas naman sa mga krimen gaya ng pagnanakaw ay iwasang sabay-sabay na tutungo sa sementeryo upang hindi maiiwanang walang tao sa bahay. Maaari ring ibilin ang pag-alis sa malapit na kamag-anak o kapitbahay upang pansamantalang magbantay sa bahay at makaiwas sa insidente ng nakawan. - Mar Supnad

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM