SA ikaanim na taon, muling ihahatid ng Unang Hirit ang Serbisyong Totoo-IMReady booth sa Manila North at South Cemetery simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1.

Tampok sa nasabing booth ang mga libreng serbisyo tulad ng water refill, emergency call, cell phone charging, at ang paglalagay ng mga name tag para sa mga bata kung sakali man sila ay mawala. Nakaantabay din sa nasabing booth ang ilang Philippine Red Cross personnel para magbigay ng paunang lunas.

Tuloy pa rin sa Serbisyong Totoo-IMReady booth ang Palit-Bote campaign na naghihikayat sa mga dadalaw sa sementeryo na magdala ng gamit nang plastic bottles. Ang bawat limang used plastic bottles na dadalhin sa booth ay may katumbas na special giveaway. Layunin ng Palit-Bote campaign na mabawasan ang dami ng basura sa sementeryo tuwing Undas at ang pagpapalaganap ng recycling. Ang maiipong mga bote ay mapupunta sa Tzu Chi Foundation.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukas ang Serbisyong Totoo-IMReady booth simula 5 AM – 10 PM sa Oct. 31 at 5 AM – 8 PM sa Nov. 1. Makakasama mula sa North Cemetery para sa Unang Hirit si Arnold Clavio. Tampok din ang nasabing sa booth sa 24 Oras, 24 Oras Weekend, GMA News Online (www.gmanews.tv) at maging sa GMA News social media accounts(@gmanews).

Tulad nang dati, pangungunahan ng GMA ang paghahatid ng maiinit na balita tungkol sa panahon at trapiko na kinalap ng IMReady Public Service Group (www.imready.ph). Ang mga mobile at tablet users naman ay maaring mag-download ng IMReady app mula sa Apple App Store at sa Google Play Store.