Humiling ng isang buwang bakasyon si Department of Health (DoH) Secretary Enrique T. Ona sa personal na dahilan.

Ayon sa isang tauhan ng Office of the Secretary, naka-leave si Ona at si Undersecretary Janette Loreto Garin ang itinalaga ng Malacañang bilang officer-in-charge ng ahensiya.

Tumangging magbigay ng karagdagang detalye ang tanggapan ni Ona bagamat tiniyak ng mga tauhan nito na hindi maaapektuhan ang mga programa ng ahensiya sa habang naka-leave ang kalihim.

Sa isang text message, sinabi ni Garin na patuloy ang komunikasyon nila ni Ona hinggil sa mga proyektong ipinatutupad ng DoH. “Tumutulong naman siya (Ona),” dagdag ni Garin. - Jenny F. Manongdo
Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!