Pinarangalan ng Quezon City ang isang contractual employee na nagsauli ng P66,000 cash na napulot nito habang nagliligpit ng sound system sa ground floor ng City Hall dito noong Setyembre 4.

Pinagkalooban ni Mayor Herbert Bautista ng certificate of commendation at P1,000 si Harry P. Laid, audio technician ng General Services Division ng Quezon City Hall.

Hinanap pa ni Laid ang may–ari ng isang bugkos na pera na nakilalang si Lucena Santos, treasurer ng Bgy. Sta. Monica, Novaliches, upang isauli ang napulot niya.

Si Laid ay walong taon nang nagtatrabaho sa City Hall at sumasahod ng P9,000 kada buwan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University