ELMO Magalona

MAGHIWALAY naming kinausap ang mag-sweetheart at magka-love team sa More Than Words na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Hindi ikinaila ni Elmo na nagpunta sila ni Janine sa Hong Kong Disneyland (HKD) last August, dahil nasa Hong Kong din kami noon at may nag-text sa amin na nakita nila sa HKD sina Elmo at Janine.

Napaiyak nga ba si Janine nang nandoon na sila?

“Yes po,” sagot ni Elmo. “First time lang niyang nakapag-travel abroad kaya first time din niyang nakarating sa Hong Kong Disneyland. Thankful nga po kami sa parents niya (Ramon Christopher at Lotlot de Leon) na pinayagan nilang sumama sa akin at sa iba pa naming friends si Janine. Treat ko ‘yon kay Janine dahil sa magandang result naman ng una naming pinagtambalan noon, ang Villa Quintana.

National

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!

“Maghapon po kami naglibot sa HKD at hinintay namin ang fireworks noong gabi, at doon na siya napaiyak sa tuwa. Masaya ako na nakita kong napasaya ko si Janine.”

Inamin din ni Elmo na officially na silang mag-sweetheart for six months. Ayaw lang niyang sabihin ang exact date, pero nabuo ang maganda nilang pagtitinginan habang ginagawa nila ang Villa Quintana.

Noong una raw, nahiya siyang lumapit kay Janine, although matagal na silang magkakilala dahil gumawa na sila ng isang Sunday afternoon youth-oriented show sa GMA-7, at gumanap sila bilang magkapatid. Para daw kasing hindi approachable ang actress, pero nang makilala na niya ito nang lubos, madaling nahulog ang loob niya.

Nang maging magkasintahan na sila ni Janine, kay Ramon Christopher niya unang ipinaalam. Description ni Elmo kay Janine, “She’s very beautiful, she’s very elegant.”

At si Janine ang kanyang first true love.

Anong feeling na kasama sa work ang mahal niya?

“Mas masaya pong mag-work na magkasama kami ngayon. Bonus na sa amin iyong hindi na namin kailangang mag-set ng date kung kailan kami magkikita dahil halos araw-araw ay magkasama na kami sa taping. Iba rin ang role na ginagampanan ko rito as Hiro and I’m very proud of Janine sa character na ginagampanan niya ngayon as Ikay dahil ibang-iba ito sa totoong siya, kaya sana magustuhan din ito ng mga manonood dahil isa itong light romantic-comedy at napakagaan ng feeling naming magtrabaho kahit kasama namin ay mahuhusay at very supportive na mga artista, like Tita Jaclyn Jose na ngayon lang namin nakatrabaho, si Tito Gardo Versoza at ang pagbabalik-tambalan nina Tito Rey Abellana at Tita Leni Santos, directed by Andoy Ranay.”

Kasama nila sa More Than Words sina Enzo Pineda, Stephanie Sol, Mikoy Morales, Mayton Eugenio at Coleen Perez.