WENN Derama

TUWANG-TUWA si Direk Wenn Deramas sa pagbabalik-tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa seryeng Flordeliza na pinamamahalaan niya.

Paborito kasi niya noon pa man ang Marvin-Jolina loveteam na naigawa niya ng ilang pelikula kasama na ang romantic comedy na Labs ko si Babe. Si Direk Wenn din ang naging direktor ng huling pelikulang pinagbidahan ng dalawa, ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip (2002).

Jolina Magdangal

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Dahil nga sa Marvin-Jolina ang project na ito, eh, hindi puwedeng basta kakawalain na lang natin ang nakasanayan at kung saan sila gustong panoorin. Sa totoo lang naman magkaka-light moments, siyempre. Marvin-Jolina ‘yan, eh. Kahit magkatalikod ‘yan, alam na nila kung ano ang gagawin nila,” kuwento ni Direk Wenn sa inyong lingkod.

Dagdag pa niya, bagay na bagay sa balik-tambalan nina Jolina at Marvin sa ABS-CBN ang Flordeliza. Naniniwala siya na malakas pa rin ang magic ng loveteam ng dalawa kahit may kambal nang anak si Marvin at happily married naman si Jolina sa dating drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta at may isang anak na rin sila.

Walang problema para kay Direk Wenn kung may kani-kaniya nang pamilya sina Marvin at Jolina. Binanggit pa nga raw ni Jolens sa kanya na fan ng Marvin-Jolina loveteam si Mark Escueta.

Nagkita-kita na sila last Monday para sa first shooting day ng Flordeliza.

“Siyempre, pareho silang excited sa project na ito. Kasi alam nilang ibang-iba na naman ang ipapakita nila sa mga fans dito na kung saan huli nilang nakita dito rin sa Kapamilya Network,” sey pa ni Direk Wenn.