NI Jonathan M. Hicap

ISANG Pilipina ang napiling magtanghal sa Korean TV talent show na Star King, ang show na matatandaang nag-guest din noon kay Charice Pempengco.

Si Mary Viena Tolentino Park ay nagtanghal sa Star King noong Oktubre 25, kasabay ng mga talentado ring banyaga sa South Korea.

Sinabayan ni Viena si Hong Jin-young sa pagkanta ng Korean trot song na Love Battery at ang Korean version ng Maria, na ginamit sa pelikulang 200 Pounds of Beauty noong 2006.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Noong 2011, lumikha ng kasaysayan sa South Korea si Viena nang tanghalin siya bilang unang banyaga na nanalo ng “daesang” o grand prize sa KBS National Singing Contest.

Masayang ikinuwento ni Viena sa Bulletin Entertainment ang kanyang karanasan sa nasabing palabas.

“Sobrang happy po lalo na nung malaman ko na sa ‘Star King’ ako mag-guest. Yung pakiramdam ni Charice Pempengco na nag-guest din sa programang ito na hindi ko inaasahan na ako rin pala e mapapalabas dito,” aniya.

Samantala, tatlong taon nang kasal si Viena sa Koreano na si Park Jong Woong.