Ni LIEZLE BASA INIGO

SUAL, Pangasinan - Tiniyak ng Team Energy, ang nangangasiwa sa Sual Coal Power Plant, na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at assessment kaugnay ng pagtagas ng langis mula sa planta na maaaring makaapekto sa palaisdaan.

Sa panayam kahapon kay Greggy Romualdez, tagapagsalita ng Team Energy, sinabi niyang agad na naagapan ang oil spill na nagmula sa tubo ng nasabing planta.

Kaugnay nito, nilinaw ni Florencia Guanzon, municipal agriculturist ng Sual, na walang koneksiyon sa tumagas na langis ang pagkamatay ng ilang isda sa lugar.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sinabing bulok na ang naglutangang isda, negatibo rin ang resulta ng water sampling, ayon kay Guanzon.

Sinabi ni Romualdez na dakong 2:23 ng umaga noong Lunes nang masilip ang langis na kumalat sa perimeter ng planta na agad namang nakontrol.

Ipinaliwanag ni Romualdez na ginagamit ng planta ang para sa start up ng isang unit para makapagsimula sa pag-generate ng kuryente.

Ayon kay Romualdez, Lunes pa lang ng hapon ay na-isolate na nila ang nasabing pipe na naging sanhi ng pagtagas ng langis at manu-manong nilinis ang langis.

Aminado namang may tumagas na kaunting langis sa area ng planta, sinabi niyang mabilis itong natugunan ng emergency response team ng Sual Power Plant at ng Philippine Coast Guard.

Nakipag-ugnayan na rin ang planta sa Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pamahalaang bayan ng Sual.