INDIANAPOLIS (AP) – Tatlo pang manlalaro ang mawawala sa short-handed Indiana Pacers, dalawa sa kanila ay starters, para sa season opener ngayong linggo.

Inanunsiyo ng mga opisyal ng koponan na ang power forward na si David West at shooting guard George Hill ay hindi makapaglalaro ng may tatlong laro dahil sa injuries. Si West ay nagpapagaling mula sa sprained right ankle, habang si Hill ay may iniinda pang bruised left knee.

Sa pagkawala ni Paul George dahil sa broken right leg at ang paglipat ni Lance Stephenson sa Charlotte, ang Pacers ay magkakaroon ng apat na bagong starters sa kanilang opening day lineup.

Ang two-time Eastern Conference runners-up ay maglalaro rin na wala si point guard C.J. Watson ng may dalawang linggo dahil sa bruised right foot.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Magsisilbing host ang Indiana ng Philadelphia sa Huwebes.