Walang epekto sa administrasyong Aquino ang banggaan ng kampo nina Vice President Jejomar Binay at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Ito ang reaksiyon ng Malacañang sa ibinulgar na isyu ni Atty. JV Bautista na umano’y “Oplan: Stop Nognog” laban kay Binay na sinasabing pakana ng kampo ni Roxas at “Oplan: Maligno’, na ayon naman kay Caloocan Rep. Edgar Erice ay target si Roxas, na pakana ng kampo ni Binay.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi ito iniintindi ni Pangulong Aquino na nakapokus sa pagpapatatag ng mga programa at reporma sa pamahalaan.

Nilinaw rin ni Coloma, hindi sila nakikisawsaw sa mga naglalabasang kontrobersya laban kay Binay na kaibigan ng Pangulo.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20