ROSARIO, Batangas - Patay ang isang umano’y magnanakaw ng panabong na manok matapos mabaril ng biniktimang pulis sa Rosario, Batangas.

Dead on arrival sa Christ the Savior Hospital ang hindi pa nakikilalang suspek matapos mabaril ni SPO3 Edgardo Ilagan, 42, nakatalaga sa Lobo Municipal Police, at residente ng Barangay San Jose, Rosario.

Ayon sa report ni PO2 Jayson Matanguihan, bandang 4:30 ng umaga noong Oktubre 25 nang maaktuhan ng biktima ang suspek na bitbit sa bayong ang pitong panabong ng una.

Pinaputukan umano ng suspek ang pulis, na gumanti at tinamaan ang suspek.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20