Janella & Manolo

ITATAMBAL KAY JANELLA SALVADOR

NO doubt, sa lahat ng dating housemates ng Pinoy Big Brother All In ay si Manolo Pedrosa ang pinaka-busy. Left and right ang showbiz commitments ngayon ni Manolo. Bukod sa tapings and shootings ay sunud-sunod din ang out of town shows ng bagong alaga ni Katotong Jun Reyes.

Nang makausap namin si Manolo sa 17th birthday party niya sa Club Filipino last Saturday, isa lang ang pinanghihinayangan niya -- na ipinagpalit niya sa showbiz career ang pag-aaral niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nami-miss nang husto ni Manolo ang pagiging estudyante niya sa La Salle, pero masaya naman daw siya sa ginagawa niya ngayon. Ang ina raw niya ang nagdesisyon na dahil sa naging aktibo siya sa showbiz ay kailangang tumigil muna siya ng isang taon sa pag aaral niya.

Gustong patunayan ni Manolo na hindi poging mukha ang taglay niya kundi may ibubuga rin siya sa larangan ng pag-arte. Dagdag pa niya, kung sa PBB ay napanood ng mga tao na hindi siya nakakakanta at nakakasayaw, ngayon ay gagawin niya ang lahat para patunayan na marunong na siya sa mga aspetong iyon.

Samantala,pagkatapos ng short role niya sa Hawak Kamay ay nakatakda nang umpisahan ni Manolo ang bago niyang seryeng O.M.G. katambal si Janella Salvador.