IMUS, Cavite – Isang lalaki ang namatay habang sugatan naman ang kanyang pinsan nang pagbabarilin sila ng isa sa apat na lalaking nakaalitan nila sa isang peryahan sa Barangay Maguyam sa Silang, iniulat kahapon ng Cavite Police Provincial Office (PPO).

Namatay sa mga tama ng bala si Bernard Gangoy Reymundo, 26, habang ginagamot sa Asiamedic Hospital sa Dasmariñas City.

Sugatan at nasa kaparehong ospital din si Edwin Gulane Reymundo, 26.

Naglakad lang ang papatakas na gunman at ang tatlong kasama nito, ayon sa pulisya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon sa imbestigasyon, pawang lasing ang mga biktima at mga suspek nang magkasagutan sa peryahan, sa hindi pa malamang dahilan, noong Sabado hanggang sa abangan at pagbabarilin ng mga suspek ang magpinsan sa Sitio Ibaba sa Bgy. Maguyam. - Anthony Giron